Ano ang tawag?

Mahal ang tawagan nina Beth at Berto
Love naman ang kina Angelita at Lito
Sugar ang sa magsyotang Tonette at Tonyo
Ikaw papaano mo tawagin ang asawa mo

Honey ang sa malambing na si Jose kay Josie
Sweet Heart naman ang kay Marlou ni Maui
Sweetie sa mag ka live-ing sina Ivy at Manny
Mama at papa ang kina Danny at Jambie

Lolipap sa mga teenager na sina Gina at Gino
Bebeh ko ang kay Luella ng boypreng si Kiko
Babylab naman ang kay Julia na nobya ni Julio
Ikaw papaano mo tawagin ang girlfriend mo

Hiwalay na ang mag sugar na Willy at Wendie
Sumakabilang bahay daw ang sweetie ni Jessie
Naano nang iba ang lolipap ng poging si Benny
Bugbog sarado na naman si Mommy kay Papi

Palangga ang tawag kay Tina ng kabit na si Leo
Momsy naman kay Zoila ng kalaguyong si Zoilo
Labsi kay kumareng Gema ng kumpareng si Toto
Kuya parin ang tawag ni Mareng sa among si Lucio

Ikaw ano ang tawag mo sa asawa mo?

sa huli


sa loob...
nakapikit ang aking mga mata
habang nakikinig na nakahiga
sa mabagal at malungkot na musika

sa labas...
mga garalgal na tinig at iyakan
habang lumalakad na marahan
kasunod nang isang itim na sasakyan

ang lulan...
isang kulay tsokolateng kahon
mga bulaklak at mga dahon
kandila at mga ala-alang pabaon

dapit-hapon...
nang sapitin namin ang pakay
isang pook na maraming bahay
sementadong parihaba at mga hukay

malungkot...
habang sila sa akin ay nakatanaw
umugong ang malalakas na palahaw
tinatawag ang pangalan ko't palayaw

sa huli...
ipinasok ang aking higaan
sa magsisilbing bagong tahanan
kung saan di ko na mararanasan
ang lungkot at kabiguan

ang aking libing...